TUNAY NA MUNDO

ALMAE SOLAIMAN

ALMAE SOLAIMAN

Second Place | Age 18+ Category | Spring into Poetry Contest 2024 | San José Public Library

Tunay na mundo
ni: Almae R. Solaiman
 
Nasisilayan mo ang ganda ng paligid
Anyo at kagandahan nito
Hindi ipinagkait sa iyo
Ngunit bakit mo inaabuso?
 
Mapalad kang isinilang na ganyan
Subalit ika'y mapang-abuso sa kapaligiran
Hindi ka ba nababahala, kaibigan?
Ika'y may mata ngunit nagbubulag-bulagan
 
Masayang makita ang ganda ng mundo
Kung ang mali ay naiiwasto
Malaya mong nakikita ang liwanag
Subalit ika'y parang isang bulag
 
Nasasabi mo man nais mong sabihin
Sigaw ng paligid, hindi mo pinapansin
Mundo'y lumuluha aking kaibigan
Boses mo'y gamitin upang sila ay mapangalagaan
 
Magandang kausap ang mga halaman
Kung ang mga salita mo'y marunong makiusap
Ang biyaya ay malaya mong nalalasap
Ngunit sa pang-aabuso mo'y mayroon pa kayang hinaharap?
 
Simoy ng hangin ay dumaraing
bakit hindi mo sila naririnig?
Awit ng mga ibon ay may nais ipabatid
Subalit ayaw mo silang pakinggan
 
Hindi ka ba nababahala, kaibigan?
Mapalad ka ngang isinilang na ganyan
Subalit ni isa sa paligid ayaw mong hagkan
Hindi bingi ngunit makasalanan
 
Masayang marinig ang agos ng tubig
Kung ang iyong tainga'y nakikinig
Mapalad ka na ang biyaya'y naibubulong sa iyo 
Subalit ika'y bingi sa daing ng mundo
 
Wag kang mabahala, kaibigan
Hindi ka nalalayo sa hikbi ng mundo
Hindi ka man bulag, pipi at bingi
Tanging hangad ng mundo ay pag-ibig mula sa iyo. 
 
Real World 
Ms. Almae Solaiman 
 
You can see the beauty of the surroundings, 
Its form and beauty 
You are not denied, 
But why do you abuse? 
 
You are lucky to be born like that, 
But you are abusive to the environment, 
Aren't you worried, friend? 
You have eyes but you are blind! 
 
It's nice to see the beauty of the world! 
If the wrong is corrected 
You see the light freely, 
But you are like a blind man. 
 
You can say whatever you want to say, 
Shouting around, you ignore it! 
The world is in tears my friend, 
Use your voice to protect them. 
 
Plants are good conversationalists, 
If your words know how to plead 
Grace is freely tasted by you, 
But with your abuse, is there still a future? 
 
A breeze wails, 
why don't you hear them? 
The song of the birds has something to say, 
But you don't want to listen to them. 
 
Aren't you worried, friend? 
You are lucky to be born like that, 
But you don't want to kiss anyone around 
Not deaf but sinful 
 
It's nice to hear the flow of water, 
If your ear listens 
You are blessed that grace is whispered to you,  
But you are deaf to the cries of the world. 
 
Don't worry, friend! 
You are not far from the sobs of the world, 
You are not blind, dumb, and deaf! 
All the world wants is love from you. 

Please enjoy this literary gift from the San José Public Library!
0